PHILIPPINE REVOLUTION WEBCENTRAL

Sunod-sunod na taktikal na opensiba ang inilunsad ng JRC-BHB bilang paniningil at pamamarusa sa mga abusadong 2nd IBPA at 5TH PNP-RMFB5 at paramilitar sa mamamayang Masbateño

Binabati ng Jose Rapsing Command – Bagong Hukbong Bayan Masbate ang mga pulang kumander at mandirigma nito sa magkakasunod na mga tagumpay na nakamit sa nailunsad nitong mga taktikal na opensiba sa loob ng nakalipas na mga buwan ng Abril, Mayo at unang linggo ng Hunyo. Ito ang naging katugunan ng rebolusyonaryong kilusan sa lalawigan sa panawagan ng inaaping masbatenyo na pagbayarin ng mahal ang mga berdugong sundalo, pulis at para-militar sa walang humpay nitong operasyong militar sa mga kanayunan ng probinsya na nagreresulta sa tumataas na bilang ng mga biktima ng karapatan tao.

Hindi lalampas sa 10 ang namatay at ilampung mga sugatan sa panig ng pinagkumbinang mga kasapi ng 2nd IB,PA.AFP, 5th PNP-RMFB5 at para-militar. Habang sa panig naman ng mga kasama ay walang nasawi o nasugatan at ligtas na nakalalayo sa mga lugar ng pinangyarihan. Pilit na itinatago sa publiko ng mga opisyal ng militar/pulis ang kanilang mga kaswalti upang hindi ito magdulot ng pagbaba ng moral ng kanilang mga tao. Subalit kahit anong pagkukubli ang gawin ng mga opisyal ay gagawa at gagawa ng paraan ang mga tao upang malaman ito.

Ang mga sundalo, pulis at para-militar na siyang dapat na nagtatanggol sa mamamayan ay syang pangunahing nagsasamantala at pumapatay sa mga tao alinsunod sa utos ng numero unong mamamatay tao at walang galang sa kababaihan na si Rodrigo Roa Duterte.

Ang mga sumusunod ay mga tampok na kaganapan :

• Abril 20, alas 7 ng gabi – pinarusahan ng isang yunit partisano ang CAFGU na si Bandido Letada sa sentro ng Poblacion sa bayan ng San Fernando. Aktibong giya militar sa isla ng Ticao at kasabay ng mga sundalo at pulis sa kanilang pagnanakaw sa mga alagang hayop at kagamitan ng mga residente sa isla.

• Mayo 1, alas 9 ng gabi – pagparusa kay Pfc. Albert Almosara ng 2nd IB,PA,AFP sa Poblacion ng San Fernando. Nakadestino ito sa bayan ng Monreal, Masbate bilang bahagi ng augmentation force at nagsisilbi na ring tirador sa mga nais nilang patayin. Sangkot ito sa pamamaslang kay SB Member Ferdinand Mandiz ng Monreal, Masbate at Aldrin Sese na isang negosyante.

• Mayo 3, alas 7 ng umaga – hinaras ng isang yunit ng JRC ang mga kagawad ng PNP Dimasalang Municipal Police Station habang nagsasagawa ito ng Checkpoint sa Brgy. Balocawe, Dimasalang. Nasugatan dito si PO1 Mark Andy Llamanzares at galos sa ilan pang mga pulis. Ginagawang panabing ang checkpoint ng mga pulis ng Dimasalang upang manakot at makapagsamantala sa mga dumadaang motorista. Isang halimbawa dito ang insidente ng pananabotahe noong Mayo 1 sa mga driver ng sasakyang lulan ang mga dadalong tao sa gagawing martsa rali sa syudad ng Masbate. Kinuha ang mga lisensya at rehistro ng sasakyan at pinabalik sa lugar kung saan sila galing. Malakas pa ang loob na pagsabihan ang mga tao na di naman sila mga manggagawa kaya di dapat sila sumasama sa mga rali at tinakot ang mga driver na pagmumultahin ng P30,000 bawat sasakyan kung magpupumilit na dumiretso sa Masbate City.

• Mayo 5, alas 9 ng umaga- Inambus ang dalawang patrol car sakay ang mga operatiba ng PNP Regional Special Operation Task Group(PNP RSOTG) at RMFB5 sa bahagi ng Brgy. Canjonday, Baleno. Galing sa Poblacion, Baleno ang mga ito at ng pagtapat sa pwesto ng mga kasama ay pinaputukan ito gamit ang command detonated explosive(Cdx). Sugatan dito ang 7 pulis kabilang na sina PO1 Josue Escalante at PO1 Nixon Jones B. Cid na miembro ng 1st Platoon RMFB5. Apat ang dinala sa ospital sa syudad habang 3 naman ang agarang dinala ng ospital sa Naga City dahil sa tindi ng tama.

• Mayo 6, hatinggabi – hinaras ng isang yunit ng JRC ang kampo ng Alpha Coy, 2nd IB,PA sa Brgy. Stockfarm , Milagros, Masbate na umabot sa 10 minutong putukan. Nagtamo ang kaaway ng 3 patay at 6 na sugatan.

• June 4, alas 6:45 ng umaga – Brgy. San Vicente, Dimasalang, – inambus ng BHB JRC ang 36 kataong panagupang pwersa ng 5TH PNP RMFB5 na ilang araw nang nag ooperasyon sa mga baryo ng Badling, San Mateo, Uson at Balantay, Calabad at San Vicente, Dimasalang. Nang makatapat sa pwesto ng mga kasama ay pinasabugan ito ng CDX at sinundan ng pamumutok na tumagal ng halos 30 minuto. Nagtamo ng 8 sugatan at 4 na patay sa panig ng mga nag- ooperasyong kaaway. Itinago sa publiko ang mga pagkakakilanlan nito.

• June 5, alas ng 11 ng gabi – Brgy. Taberna, Cawayan – pinasabugan ng CDX ang laking platoon ng 2nd IB,PA na isang buwan ng nag-ooperasyon sa lugar. Agad na namatay ang 2 sundalo at pagkasugat ng ilan pa.

Ang mga ganitong operasyon ng JRC-BHB Masbate laban sa mga umaatakeng sundalo,pulis at para militar na pwersa ay para ipatanggol ang mamamayan sa walang puknat na pandadahas, pananakot, pagpatay, pagnanakaw ng mga ari-arian at pagkasira ng mga pananim. Marapat lamang na ipagtanggol ng BHB ang mamamayang matagal nang sumisigaw ng katarungan buhay man ay ialay kung kinakailangan. Nakahanda ang JRC-BHB Masbate na biguin ang walang humpay na atakeng kontra mamamayan na gagawin ng reaksyunaryong gobyerno gamit ang bayaran at berdugong kumbinasyong AFP/PNP/Para-militar.
Sa ganitong banda, nararapat lamang na paigtingin pang lalo ang digmang bayan hanggang ganap na magapi ang reaksyunaryong GRP at mga kasapakat, at itayo ang lipunang walang nagsasamanatala at nang-aapi sa kapwa.

MABUHAY ANG BAGONG HUKBONG BAYAN, SULDADOS SAN POBRE!
MABUHAY ANG PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS!
MABUHAY ANG NDFP!
MABUHAY ANG SAMBAYANANG PILIPINO!

Topics: NPA, AFP, Masbate, Offensive

Latest statements

On Duterte’s demand to hold talks in Philippines Condemn Duterte-AFP’s all-out war to occupy Liguasan Marsh Expose “two-faced” Duterte in sudden postponement of NDFP-GPH peace talks – NDFP-North Central Mindanao Planned AFP military offensives behind Duterte’s talk cancellation Dalawampu’t-limang NPA na sumuko, Pinalobong Kasinungalingan ng Desperadong 9th IDPA Expect heightened militarization, fascist attacks on the people after the postponement of the NDFP-GPH peace talks May hangganan ang pagtitimpi!

Other statements by Luz Del Mar, NPA-Masbate (Jose Rapsing Command)

Pagpupugay kay Alfredo Merilos! Kondenahin at labanan ng mamamayang Masbatenyo ang patuloy na terorismong atake ng 2nd Magnanakaw IB, 5th RPSB, PPSC, RIU at MICO sa probinsya ng Masbate Paglilinaw tungkol sa pagbintang sa kilusan sa pagpatay sa anak ng dating pulis Tuloy-tuloy ang paghahasik ng karahasan at pagpaslang na kinasasangkutan ng 2nd IB,PA sa probinsya ng Masbate Matagumpay na ambus sa Brgy. Casabangan Pio V. Corpus Masbate Tumitindi ang karahasan at dumarami ang bilang ng mga Masbatenyong biktima ng paglabag sa karapatan pantao ng 2nd IB, PA Papanagutin ang 2nd IBPA sa dumaraming biktima ng paglabag sa karapatang tao sa probinsya ng Masbate
Back to statements