PHILIPPINE REVOLUTION WEBCENTRAL

NPA: bigyang puwang ang kapayapaan

Todo largang gera ni Duterte, nananalasa na!

Kung totoong umaasa ang chief peace negotiator ng gubyerno ng Pilipinas na makakamit pa ang kapayapaan sa mga komunista, dapat niyang sabihan ang amo niya na bawiin ang bansag na terorista at todo-largang gyera nito laban sa CPP-NPA.

Ganito ang naging reaksyon ni Ka Cleo del Mundo, tagapagsalita ng Apolonio Mendoza Command-New People’s Army-Quezon sa pahayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III na punong negosyador sa natigil na peace talks sa pagitan ng GPH at National Democratic Front of the Philippines.

“Ang problema ay lasing na lasing si Duterte sa kapangyarihan kaya nag-aakala siyang maaring daanin sa paninindak ang rebolusyunaryong kilusan para mapasunod sa kapritso nya,” pagdidiin ni Ka Cleo.

“Kung kaya kahit anong mabuting intensyon ang ipakita ng kagaya ni Bello, mababalewala lamang ito dahil sa insesiridad ng bang-aw na si Duterte.”

Ayon kay Ka Cleo, nagsimula nang manalasa ang full scale war ni Duterte sa lalawigan ng Quezon laban sa NPA. Sa kaniyang pahayag, mula pa noong isang linggo ay hindi bumaba sa laking kumpanyang sundalo ang nag-ooperasyon sa mga bayan ng Macalelon, Lopez at Gumaca.

Kaninang 12:45 ng tanghali ay nagkasagupa na ang isang yunit ng AMC-NPA at nagpapatrulyang sundalo ng 85th IBPA sa sityo Nalitakan, Barangay Cauayan sa bayan ng Gumaca.

Dalawang sundalo ang napaulat na patay sa labanan bukod pa ang mga sugatan habang wala namang kaswalti sa panig ng mga gerilya.

“Nananawagan kami sa mga kababayan namin na magkaisa at magpetisyon para sa agarang pagpapaalis ng mga militar sa komunidad ng magsasaka sa buong lalawigan,” apela ni Ka Cleo sa taumbayan.

“Ang pagpapaalis sa mga pasistang sundalo lamang ang tanging paraan para masigurong magkakaroon ng puwang ang kapayapaan lalo ngayong Kapaskuhan.”#

Topics: Militarization, #US-Duterte

Latest statements

End martial law! Overthrow the US-Duterte regime! NOPPO-PNP Director Col. Rodulfo Castil, Nagpalapta sang Kabutigan Pagpaparusa ng BHB kay Eddie Embile Duterte “Noynoying” over US and China saber-rattling Mga Aksyong Militar sa BHB-NCMR, Tubag sa Pagpanabotahe sa Umalabot nga Hisgutanang Pangkalinaw tali sa GRP ug NDFP The Bangsamoro and the People of Mindanao Continue Suffer under Grievous Conditions AFP, tinuod nga tigsabotahe sa Kalinaw

Other statements by Ka Cleo del Mundo, NPA-Quezon (Apolonio Mendoza Command)

Papatinding mga atake ng NPA, sagot sa gera ni Duterte Maglunsad ng mga aksyong militar laban sa mersenaryong AFP at lahat ng galamay ng pasismo ng rehimeng US-Duterte! Pamamahagi ni Duterte ng CLOA, Pananabotahe sa Peace Talks Tugon ng NPA-Quezon sa mga pahayag ni Duterte sa pagbisita niya sa Bondoc Peninsula Planong pamamahagi ni Duterte ng CLOA sa Quezon, vote buying Singilin at Papanagutin ang Rehimeng US-Duterte sa Krimen Nito sa Mamamayan!
Katarungan Para kay Gng. Fe Delos Santos
Reyd at Ambus sa Quezon, Pagsuporta sa Pakikibaka ng mga Magsasaka upang Buwagin ang mga Asyenda sa Bondoc Peninsula
Back to statements