PHILIPPINE REVOLUTION WEBCENTRAL

Presensya ng tropang US sa bansa, kaibuturan ng Huwad na kalayaan

Higit na pinatutunayang hungkag ang kalayaang ipinagdiriwang ngayon ng reaksyunaryong gobyerno bunsod ng panghihimasok ng mga tropang militar ng US sa Marawi City na nakaposisyon na sa Mindanao at naglulunsad ng mga operasyong surbeylans malapit sa lugar bago pa ang naganap na kaguluhan doon.

Kaduda-duda ang tulong na iniaalok ng US sa gawaing paniktik at surbeylans dahil sa bigong pagsubaybay ng US sa lugar bago sumiklab ang labanan at ang ‘atakeng terorista’ sa Marawi City.

Isang malaking kwestiyon ang kawalan ng kaalaman ni GRP President Rodrigo Duterte hinggil sa presensya ng mga sundalong Amerikano gayong batid na batid ito ng kanyang Kalihim sa Depensa na si Delfin Lorenzana. Malaking pambansang usapin ito lalo’t higit sa seguridad at pangangalaga ng pambansang soberanya at kasarinlan ng Pilipinas.

Pinatutunayan nito ang pagiging ahente ng US ni Lorenzana kasama ang iba pang mga opisyales ng Armed Forces of the Philippines-Philippine National Police (AFP-PNP). Mas napapahigpit ang pananatili ng impluwensiya at kapangyarihan ng US laluna sa usaping militar dahil sa pangingibabaw ng mga militarista at maka-kanan sa loob ng gubyernong Duterte tulad na lamang nina National Security Adviser Hermogenes Esperon at AFP Chief-of-staff Gen. Eduardo Año.

Nagdidiwang ngayon ang mga militarista at maka-kanan sa gubyernong Duterte dahil sa deklarasyong Martial Law sa Mindanao na lalong sumikil sa kalayaan ng mamamayang Pilipino. Dumarami ang biktima ng karahasan ng estado, hindi lang sa Marawi City, kundi sa iba pang bahagi ng bansa.

Ginagamit ng US ang mapaminsalang gera laban sa terorismo para ibayong makapanghimasok sa panloob na problema ng bansa laban sa kawan ng mga terorista sa Mindanao at panatilihin ang presensya ng kanilang mga tropa, mga kagamitan at sasakyang pandigma sa Pilipinas.

Dapat ilantad at labanan ang papel ng US-CIA-Pentagon sa kaguluhang nagaganap sa Mindanao at sa buong bayan. Kailangang patuloy na makibaka ang mamamayan laban sa imperyalistang mga banta at atake, at ipaglaban ang pambansang kasarinlan at soberanya ng Pilipinas.###

Photo By: Noel Celis

Topics: Duterte, Marawi, US Intervention, Martial Law, Mindanao

Latest statements

On Duterte’s demand to hold talks in Philippines Condemn Duterte-AFP’s all-out war to occupy Liguasan Marsh Expose “two-faced” Duterte in sudden postponement of NDFP-GPH peace talks – NDFP-North Central Mindanao Planned AFP military offensives behind Duterte’s talk cancellation Dalawampu’t-limang NPA na sumuko, Pinalobong Kasinungalingan ng Desperadong 9th IDPA Expect heightened militarization, fascist attacks on the people after the postponement of the NDFP-GPH peace talks May hangganan ang pagtitimpi!

Other statements by Jaime “Ka Diego” Padilla, NPA-Southern Tagalog (Melito Glor Command)

Denounce AFP’s lies and fake news destroying the reputation of Ka Diego and Comrade Kathryn Patuloy na binibigwasan ng NPA-Quezon ang mga pasistang atake AFP! Pagbati sa matagumpay na ambus laban sa mersenaryong 85th IBPA sa Lopez! Pagbati sa NPA-Quezon sa matagumpay na pagbigo sa mga atake ng AFP! Mensahe ng Melito Glor Command sa Pandaigdigang Araw ng Manggagawa ENDO at Kontrakwalisasyon, walang planong wakasan Rehimeng US-Duterte, hindi seryoso at sinsero ibalik ang usapang pangkapayapaan Pagpapatalsik kay CJ Serreno, pakana ni Duterte sa kanyang mga kritiko
Back to statements