PHILIPPINE REVOLUTION WEBCENTRAL

Panginoong maylupa dinis-armahan, 4 armas nakuha

Matagumpay na nadis-armahan ng mga kasapi ng NPA sa ilalim ng Nonito Aguirre Sr. Command sa isinagawa nitong operasyon sa pagdisarma laban sa panginoong maylupa na si Aurelio Longno sa Brgy. Sibariwan, Dumarao, Capiz sang Hunyo 6, 2016 bandang 5:30 ng hapon. Nakuha sa kanya ng 1 9mm at 1 .22 caliber magnum at mga bala ng 12 gauge shotgun. Habang 1.38 caliber pistol at 1 homemade shotgun ang nakuha sa bahay ng kanyang anak na si Boyet.
Ang hakbang na ito ginawa ng NPA para patigilin ang paggamit ni Aurelio Longno ng nasambit na mga armas sa kanyang mapang-api at mapasamantalang pagkontrol sa mga magsasaka at pang-aagaw ng lupa. May natanggap ring impormasyon ang NPA na may mataas na kalibre ng armas na isinanla sa kanya ng isang notorious na kasapi ng sindikatong taga-Dumarao, Capiz din.

Topics: Tactical Offensives
Back to statements