Sunod-sunod na Sniping Operations, Inilunsad ng NPA sa Central Negros

Ipinagbunyi ng LPC ang 2 ka tim ng NPA na matagumpay na naglunsad ng sniping operations sa sakop ng prenteng gerilya.

Noong Enero 4, 2019 alas 2:04 ng hapon una na inisnipe ang Brgy. Linantuyan AFP Detachment sakop ng Guihulngan, Negros Oriental. Alas 2:05 sñng hapon ang Brgy. Sikatuna, Isabela AFP Detachment sa Negros Occidental.

Resulta: 2 ang kaswalti sa militar ayon sa mga residente malapit sa nasabing mga kampo.

Itong aksyong militar ng NPA, bahagi lamang ng malakas na sagot ng rebolusyonaryong grupo sa patuloy na militarisasyon sa lugar. Nagbigay din ito ng karampatang hustisya sa mga biktima ng brutal na pamamaslang sa 6 lahat na mga inosenteng sibilyan, mahigit 50 na mga indibidwal ang ilegal na inaresto, 15 ang missing matapos ang pangyayari, gawa-gawang mga kaso at planted na mga armas at druga, pangraransak sa mga kabahayan, pagnanakaw ng pera at kagamitan ng mga residente at iba pang human rights violations saan direktang ikinomiter ng 94th IBPA ilalim sa 302nd BdePA sa dikta ng AFP Central Command at SAF/SWAT-PNP Region 7 sa ginawa nitong SEMPO (Synchronized Enhanced Managing of Police Operations) noong Disyembre 27, 2018 ng madaling-araw.

Hindi rin totoo na may naganap na lehitimong engkwentro sa pagitan ng NPA at AFP sa Brgy. Budlasan, Canlaon City at Brgy. Calupaan, Guihulngan City, Negros Oriental noong Mierkoles ng gabi, Enero 3, 2019.