Da­ki­lang ka­say­sa­yan ng Par­ti­do sa Gi­na­mat

Ang artikulong ito ay ambag ng mga myembro ng Partido sa rehiyon ng Ilocos-Cordillera sa serye ng Ang Bayan (AB) tungkol sa mga tampok na karanasan sa pagbubuo ng mga sangay ng Partido sa iba’t ibang larangan ng rebolusyonaryong gawain. Nananawagan ang patnugutan ng AB sa iba pang komite ng Partido na mag-ambag sa seryeng ito sa pamamagitan ng pagsumite ng inyong tampok na mga kwento.

Ang bar­yo Gi­na­mat ay isang bar­yo sa Cor­dil­le­ra na may ma­ha­ba at da­ki­lang ka­say­sa­yan ng pag­ki­los sa pa­mu­mu­no ng Par­ti­do Ko­mu­nis­ta ng Pi­li­pi­nas. Ma­hi­git isan­da­an la­mang ang ka­ba­ha­yan di­to pe­ro ma­li­it man, ito ang isa sa mga na­ngu­na sa pag­la­ban sa pla­no ng dik­ta­du­rang US-Marcos na ita­yo ang Chico Dam noong de­ka­da 70.

Taong 1976 unang ku­mi­los ang mga ele­men­to ng Ba­gong Huk­bong Ba­yan sa lu­gar. Agad na nag­sa­ga­wa ang mga Pu­lang man­di­rig­ma ng mga pag-aa­ral at iti­na­as ang pag­tu­tol ng mga re­si­den­te sa Chico Dam tu­ngo sa isang an­ti-im­per­ya­lis­tang pag­la­ban. Noon pa man, na­ka­tak­dang sak­la­win ng pro­yek­tong ito ang mga mu­ni­sip­yo ng Ta­buk, Lu­bua­gan, Ta­nu­dan at Ting­la­yan sa Ka­li­nga hang­gang sa mga mu­ni­sip­yo ng Sa­da­nga, Sa­ba­ngan at Bon­toc sa Moun­ta­in Province, at mag­lu­lu­bog ng mga ko­mu­ni­dad na aa­pek­to sa ma­hi­git 100,000 ma­ma­ma­yan.

Isa sa unang ki­nau­sap ng mga Pu­lang man­di­rig­ma ang mga pa­ngat (tra­di­syu­nal na li­der) ng tri­bu at mga peace-pact hol­der upang ma­buo ang pag­ka­kai­sa ng Huk­bo at ma­ma­ma­yan kaug­nay ng pag­la­ban sa Chico Dam. Ma­bi­lis ang pag­re­rek­rut ng mga Pu­lang man­di­rig­ma mu­la sa ha­nay ng mga tri­bu, ga­nun­din ang pag­pa­pa­la­wak ng implu­wen­sya ng re­bo­lu­syo­nar­yong ki­lu­san sa lu­gar. Hin­di na­ging prob­le­ma ang pag-aar­mas sa ma­ra­ming su­mam­pa sa Huk­bo da­hil karaniwang may rip­le ang mga katutubo sa lu­gar. Sa loob la­mang ng ilang taon ay uma­bot na sa ilang pla­tun ang su­ma­pi sa BHB mu­la sa na­sa­bing bar­yo.

Unang ba­ha­gi ng de­ka­da 1980s na­buo ang sa­ngay ng Par­ti­do sa lo­ka­li­dad sa Gi­na­mat. Bi­nuo ito ng mga ak­ti­bis­tang ma­sa, tra­di­syu­nal na li­der, pang­git­nang pwer­sa at ka­ba­ta­an. Si­la ang na­ngu­na sa mga ga­wa­ing pro­pa­gan­da at edu­ka­syon sa bar­yo. Nag­lun­sad din si­la ng mga pag­sa­sa­nay ng yu­nit mi­li­sya.

Ang mga ki­los-ma­sa ka­tu­lad ng mga nai­lun­sad na mga “bo­dong confe­rence” at ang ma­sig­lang edu­ka­syong ma­sa, na sa ti­na­wag ng mga re­si­den­te na “is­ku­ling,” ang nag­pa­si­bol ng pa­bo­rab­leng kun­di­syon pa­ra sa pag­pa­pa­la­kas at pag­pa­pa­sig­la ng re­bo­lu­syo­nar­yong ki­lu­sang ma­sa at ar­ma­dong pa­ki­ki­ba­ka la­ban sa dam. Da­hil sa ma­ti­bay na pag­ka­kai­sa ng Huk­bo at ma­ma­ma­yan, at sa pur­si­gi­do at ma­sig­lang ki­lu­sang ma­sa at ar­ma­dong pa­ki­ki­ba­ka, ini­at­ras ng dik­ta­du­rang Marcos ang pag­ta­ta­yo ng Chico Dam 1-4 noong 1982.

Tu­lad ng ibang sa­ngay sa re­hi­yon at sa buong ban­sa, du­ma­nas ng mga unos at pag­su­bok ang Par­ti­do sa Gi­na­mat sa su­mu­nod na mga de­ka­da. Sa git­na ni­to, nananatiling nasa was­­tong landas ang pa­ni­nin­di­gan ng Par­ti­do sa lu­gar.

Nag­pa­ni­ba­gong-la­kas ang Par­ti­do sa Gi­na­mat mu­la 2009. Sa pa­na­hong ito, mu­ling gu­ma­na ang mga ga­nap na sa­ma­hang ma­sa ng mga mag­sa­sa­ka, ka­ba­bai­han at ka­ba­ta­an. Mu­la noon hang­gang sa ka­sa­lu­ku­yan, tu­luy-tu­loy ang ga­wa­ing kon­so­li­da­syon sa bar­yo sa pa­ma­ma­gi­tan ng kam­pan­yang edu­ka­syo­n. Bi­nig­yang-di­in ang pag­pa­pa­ta­pos ng Ba­ta­yang Kur­so ng Par­ti­do sa mga ka­sa­pi ng sa­ngay. Sa ka­lau­nan ay na­buo ang ko­mi­teng sub­sek­syon sa ti­pak na kinapalolooban ng bar­yo Gi­na­mat. Na­ging ka­ga­wad ni­to ang mga kad­re mu­la sa lo­ka­li­dad.

Sa pag­pa­pa­ni­ba­gong-sig­la ng Par­ti­do at mga or­ga­ni­sa­syong ma­sa, muli ring sumigla ang mga ki­lu­sang ma­sa. Mu­ling ini­lar­ga ang mga pla­no sa re­bo­lu­syong ag­rar­yo sa bar­yo na na­ka­tu­on sa pag­pa­pa­un­lad ng ag­ri­kul­tu­ral na pro­duk­syon ng ma­ma­ma­yan, ga­ya ng pag­pa­pa­un­lad ng pro­duk­syon ng bi­gas.

Tam­pok ang tu­loy-tu­loy na pag­lar­ga ng an­ti-pa­sis­ta na pa­ki­ki­ba­ka ng ma­ma­ma­yan ng Gi­na­mat. Ma­ti­bay na hi­na­rap ng sa­ngay at mga or­ga­ni­sa­syong ma­sa ang mga pa­sis­tang ata­ke ng kaa­way sa bar­yo ka­bi­lang ang mga pa­na­na­kot at pang­gi­gi­pit sa mga ak­ti­bis­tang ma­sa. Tu­wing pu­ma­pa­sok ang mga tro­pa ng AFP sa ka­ni­lang bar­yo, ma­bi­lis na ku­mi­ki­los ang mga resi­dente upang ti­ya­king hin­di tu­mata­gal at kagyat sila napalalayas.

Pag­pa­sok pa la­mang ng mga tro­pa ng mi­li­tar sa bar­yo ay agad nang nag­pa­pa­ta­wag ng pu­long ang sa­ngay upang ba­lang­ka­sin ang kanilang mga hak­bang. Ang ilang ulit na pa­mi­mi­lit ng kaa­way na mag­rek­rut ng CAFGU at mag­ta­yo ng de­tatsment ay na­pi­gi­lan. Tu­luy-tu­loy si­lang nag­pa­da­la ng mga pe­ti­syon at de­le­ga­syon upang patalsikin ang mga detatsment na iti­na­yo sa ka­la­pit ­ni­lang bar­yo.

Sa pa­mu­mu­no ng SPL sa mga pa­ki­ki­ba­kang ma­sa at par­ti­si­pa­syon ng mga residente sa ar­ma­dong pa­ki­ki­ba­ka, la­long na­pa­ta­ta­tag ang Par­ti­do at ang pam­pu­li­ti­kang ka­pang­ya­ri­han ng ma­ma­ma­yan sa bar­yo. Sa nga­yon ay may ma­hi­git nang 40 kasapi ang SPL at tu­luy-tu­loy ang ka­ni­lang pag­si­si­kap na ma­ka­pag­pa­li­taw ng mga pul­taym na man­di­rig­ma pa­ra sa Pu­lang Huk­bo.