Itak­wil ang bu­lok na al­yan­sang Duterte-Arroyo-Marcos

Ta­ha­sang kon­so­li­da­syon ng bu­lok na al­yan­sang Du­ter­te-Arro­yo-Marcos—ito ang pa­ngu­na­hing la­yu­nin sa pag-a­gaw ni Arro­yo sa lide­ra­to ng Ma­ba­bang Ka­pu­lu­ngan ni­tong Hul­yo 23. Sa su­por­ta ni Arro­yo at ng mga Marcos, inaa­sa­han ni Du­ter­te na mai­lu­lu­sot na ang kan­yang iskemang ba­gu­hin ang konsti­tu­syon at big­yang da­an ang pla­no ni­yang solo­hin ang po­der at pa­la­wi­gin ang kan­yang kapang­ya­ri­han.
­
Lan­ta­ran nang nag­sa­ma-sa­ma ang pi­na­ka­ki­na­mu­mu­hi­ang mga kinatawan ng pa­sis­tang ka­lu­pi­tan at bu­ruk­ra­tang ka­pi­ta­lis­tang korap­syo­n. Sila ang imahe ng pi­na­ka­ma­lu­lu­pit na ka­ba­na­ta sa kasay­sa­yan ng Pi­li­pi­nas. Sa ilalim ng ka­ni­lang bu­lok na al­yan­sa, asa­hang la­long sa­sa­hol ang pang-aa­pi at pag­pa­pa­hi­rap sa sambayanang Pili­pi­no.

Mu­la’t sa­pul, ka­bi­lang si Arro­yo sa pa­ngu­na­hing su­mu­su­por­ta kay Du­ter­te. Sa Mababang Kapulungan, ang blo­keng ta­pat kay Arro­yo ang isa sa pinaka­ma­la­king bu­mu­buo ng “su­per­ma­yor­ya.” Ma­la­ki ang kanyang papel sa pag­rat­sa­da ng ba­gong mga ba­tas tulad ng TRAIN Law. Buung-buo ring si­nu­por­ta­han si Du­ter­te ng kanyang bloke sa Kor­te Sup­re­ma, kabilang ang pag­pa­lu­sot sa li­ga­li­dad ng ba­tas mi­li­tar sa Min­da­nao at sa ka­song quo war­ran­to la­ban kay Chief Justice Ma. Lourdes Se­re­no.

Kapalit nito, ti­ni­yak ni Du­ter­te ang su­por­ta ni Arro­yo. Hi­ni­rang niyang upisyal sa ga­bi­ne­te ang pinaka­ma­ta­ta­pat na heneral ni Arro­yo tu­lad ni Her­mo­ge­nes Espe­ron at iba pa. Pag­kau­pong-pagkau­po, kaa­gad niyang in­utos ang pagba­su­ra sa mga ka­song pandaram­bong at ang pag­pa­pa­­la­ya kay Arro­yo mula sa limang taong deten­syo­n. Ti­nu­gis ni Du­ter­te si Lei­la de Li­ma, na noong kali­him ng Department of Jus­tice sa ila­lim ng re­hi­meng Aqui­no ay nag­sam­pa ng ka­so, nag­paa­res­to at nag­pa­ku­long kay Arro­yo. Ni­tong Ma­yo, pina­ya­gan ng San­di­gan­ba­yan ang asawa ni Gloria na si Mike Arroyo na ma­ka­la­bas ng ban­sa. Marami ang naniniwalang para ito maisaayos ng huli ang ka­ni­lang na­kaw na ya­mang na­ka­la­gak sa dayuhang mga bang­ko.

Ang pag-a­ngat ni Arro­yo sa li­de­ra­to ng Ma­ba­bang Ka­pu­lu­ngan ay ­pa­tu­nay na malaki pa rin ang hawak niyang ka­ya­ma­­nan at kapangya­ri­han. Bagaman hin­­di “su­per­ma­yor­ya,” uma­bot sa 184 o 67% ng mga du­ma­long kongre­sis­ta ang bu­mo­to kay Arro­yo. Kabilang di­to ang mga kong­re­sis­tang binu­sog ni­ya noon sa pork bar­rel at sinisilaw nga­yon ng pangakong ibabalik niya ang pork barrel sa Kongreso.

Ha­bang ma­hig­pit na mag­ka­ka­al­ya­do at su­mu­su­por­ta kay Du­ter­te, may sari-sa­ri­ling am­bi­syon at pla­no si­na Arro­yo at Marcos pa­ra pala­ka­sin ang ka­ni­lang ka­pang­ya­ri­han sa ­pu­li­ti­ka. May­ro­on si­lang pla­nong nag­tu­tug­ma at nag­tu­tung­­ga­li. Ba­ga­man su­mu­su­por­ta kay Du­ter­te, may sa­ri­ling kapangya­ri­han si Arro­yo. Ma­ra­mi ang nanini­wa­lang may sa­ri­li rin si­yang im­bing mga pa­ka­na. Pa­tu­nay lamang ito ng la­lim at tin­di ng kri­sis ng nagha­ha­ring sis­te­ma. Naka­ta­nim ang bin­hi ng ma­tin­ding ba­nga­yan sa loob ng bu­lok na al­yan­sa ng mga ka­pang­ya­ri­hang nag-uu­na­han sa limitadong rekurso at pwes­to sa reak­syu­nar­yong es­ta­do.

Sa ta­ha­sang pag­ko­kon­so­li­da ni Du­ter­te ng al­yan­sa sa mga Marcos at Arro­yo, la­lo pa si­yang na­hi­hi­wa­lay sa ma­ma­ma­yang Pi­li­pi­no. Lalong lu­ma­wak at na­kon­so­li­da ang nag­ka­kai­sang pren­teng anti-Du­ter­te. Hindi limot ng ma­ma­ma­yan ang ma­lu­lub­hang krimen ng ko­rap­syo­n, pan­da­ram­bong, eks­tra­­­hu­di­syal na mga pagpa­tay, pam­­­pu­li­ti­kang pa­nu­nu­pil at ma­la­wa­kang abu­song militar at pu­lis na di­na­nas ni­la sa ila­lim ng dik­ta­du­rang Marcos at mga re­hi­meng Arro­yo at Du­ter­te. Dahil dito, lalo silang determinado na isu­long ang pa­ki­ki­ba­ka pa­ra wa­ka­san ang paghaha­ri ni Du­ter­te at ibag­sak ang bu­lok na al­yan­sang Du­ter­te-Arro­yo-Marcos.

Ha­bang mi­na­ma­da­li ni Du­ter­te na mai­rat­sa­da ang kan­yang ambisyong ma­ging dik­ta­dor, tu­mi­tin­di rin ang pag­la­ban ng mamama­yan. Ipi­na­ki­ta ni­la ito nang puu-pu­ong li­bo ang nagprotes­ta sa lan­sa­ngan sa oka­syon ng ikat­long Sta­te of the Nation Ad­dress ni Du­ter­te noong Hul­yo 23. Pa­tu­nay din ni­to ang lu­ma­la­kas na mga pag­ki­los at pag­la­ban ng mga mang­ga­ga­wa sa buong ban­sa pa­ra isu­long ang ka­ni­lang hi­ni­hi­nging umen­to sa sahod at pag­wa­wa­kas sa kontraktwa­li­sa­syo­n. Ang ma­ra­has na pagsu­pil ng es­ta­do sa ka­ni­lang pag­la­ban ay hin­di mag­pa­pa­ta­hi­mik, kun­di la­lu­pang mag­pa­pa­tin­di sa kanilang deter­mi­nas­yong lumaban.

Sa ka­na­yu­nan, ka­bi-ka­bi­la ang mga pag­ki­los ng mga mag­sa­sa­ka at pamban­sang mi­nor­ya pa­ra ipag­tang­gol ang ka­ni­lang ka­ra­pa­tan sa lu­pa at kabu­ha­yan. Hin­di si­la na­na­na­hi­mik sa ha­rap ng matitinding ope­ra­syong mi­li­tar at mga abusong militar. Sama-sama si­lang nag­pup­ro­tes­ta la­ban sa pre­sen­sya at pang-aabu­so ng mga sun­da­lo sa mga baryo at komunidad.

Sa buong ban­sa, pus­pu­sang isi­nu­su­long ng re­bo­lu­syo­nar­yong kilusan ang ar­ma­dong pag­la­ban. Nag­lu­lu­nsd ang iba’t ibang yu­nit ng Ba­gong Huk­bong Ba­yan (BHB) ng mga tak­ti­kal na open­si­ba at iba pang ar­ma­dong ak­syo­n. Maging sa Min­da­nao, kung saan naka­kon­sen­tra ang operasyon ng Armed Forces of the Philippines, pa­tuloy na sumusulong ang papa­la­lim at papalawak na pa­ki­­kidig­mang ge­rilya.

Sa ka­bi­la ng pi­na­tin­ding ata­ke ng re­hi­meng Du­ter­te, bi­go itong abu­tin ang la­yu­ning ga­pi­in ang BHB. Katuna­yan, iti­ni­gil na ng mga upi­syal mi­li­tar ni­to ang hung­kag na pag­ma­ma­ya­bang na ma­ga­ga­pi ni­to ang BHB sa katapusan ng taon. Itinigil na rin nila ang katawa-tawang pa­ka­nang lokal na usapang pangkapayapaan. Wala silang patunay kun­di ang pwersahang iparada ang mga magsasaka at palabasing sila’y mga “surenderi.”

Ang pag-a­ngat ng al­yan­sang Du­ter­te-Arro­yo-Marcos ay la­long pumupukaw sa ma­ma­ma­yan na mag­­­su­long ng de­mok­ra­ti­kong rebolusyong ba­yan at wa­ka­san ang ma­ka-u­ring dik­ta­du­ra ng malala­king asen­de­ro at ma­la­la­king bur­ge­syang kumpra­dor. La­long na­hi­hi­ka­yat ang ma­mama­yan na su­ma­pi sa BHB pa­ra magsulong ng ar­ma­dong pa­ki­ki­ba­ka at ita­tag ang tu­nay na de­mok­ra­ti­kong gub­yer­no na ka­ka­ta­wan at maglilingkod sa in­te­res ng sam­ba­ya­nan.