Bu­lok at du­gu­ang pa­ma­na ni Arro­yo

Noong Hul­yo 23, ina­gaw ni Glo­ria Maca­pa­gal-Arro­yo, lu­bos na ki­na­mu­mu­hi­ang da­ting pre­si­den­te ng Repub­li­ka ng Pi­li­pi­nas, ang li­de­ra­to ng Kong­re­so. Pi­na­tu­na­yan ng pagbabalik ni­ya sa pi­na­ka­ma­ta­as na sirku­lo ng reak­syu­nar­yong gub­yer­no na na­na­na­ti­ling buo at ma­la­kas ang kan­yang ka­pang­ya­ri­han at impluwen­sya. Ang ga­yong po­der ni Arro­yo ay ipi­nun­dar ni­ya sa si­yam na taon ng ko­rap­syon at ma­ra­has na pag­da­nak ng du­go.

Ma­ha­bang sa­lay­say ng ko­rap­syon

Ga­ya ng mga Marcos, nag­ka­mal si Arro­yo ng bil­yun-bil­yong pi­so mu­la sa pan­da­ram­bong sa pon­do ng bayan. Mu­la 2001 hang­gang 2010, tu­wi­ran at di tu­wi­rang na­sang­kot si Arro­yo sa ka­li­wa’t ka­nang mga anomal­ya at ka­so ng ko­rap­syo­n, pag­tang­gap ng su­hol at pa­nu­nu­hol, pan­da­ra­ya sa elek­syo­n, pag­ga­mit ng pork bar­rel ka­pa­lit ng su­por­ta sa pu­li­ti­ka at ma­ra­ming iba pa.

Daan-da­ang mil­yong pi­so ang pi­na­ni­ni­wa­la­ang ti­nang­gap na su­hol ni Arro­yo at kan­yang mga upi­syal sa tina­gu­ri­ang “NBN-ZTE Deal,” isang $329.5-mil­yong kon­tra­ta pa­ra ita­yo ang Na­tio­nal Bro­ad­­band Net­work (NBN) na ibi­ni­gay sa Zhong Xing Te­lecom­mu­nica­ti­on Equip­ment Com­pany Li­mi­ted (ZTE), isang kumpanyang Tsi­no.

Naiu­lat na aa­bot sa $14 mil­yon ang su­hol na tu­wi­rang ti­nang­gap ni Arro­yo at ng kanyang mga alipures sa pag­pir­ma sa $470-mil­yong kon­tra­ta sa Industri­as Me­ta­lur­gicas Pescar­mo­na Socie­dad Ano­ni­ma (IMPSA), isang kum­pan­yang Ar­gen­­ti­ne, pa­ra sa pag­pa­paa­yos ng isang hydroe­lectric plant sa La­gu­na. Ang ka­sun­du­an ay pi­na­sok ni Arro­yo apat na araw pa la­mang si­yang na­kau­po sa Ma­laca­ñang.

Na­sang­kot rin si Arro­yo sa ili­gal na pag­ga­mit sa P366-mil­yong in­tel­li­gence funds ng Phi­lip­pi­ne Cha­rity Swe­epsta­kes Office (PCSO). Na­lan­tad rin ang “Fer­ti­lizer Fund Scam” o ang pag­ma­ni­pu­la ni Arro­yo sa P726 bil­yong pon­dong pang-a­bo­no sa ila­lim ng prog­ra­mang “Gi­nin­tu­ang Ma­sa­ga­na Ani” pa­ra ga­mi­tin sa pagtakbo bi­lang pa­ngu­lo noong elek­syong 2004.

Sa ta­ya ng gru­pong IBON noong 2008, aa­bot sa P7.3 bil­yon ang ka­buuang ha­la­ga ng mga pro­yek­to ng gubyer­no na mi­na­ni­pu­la ni Arro­yo at kan­yang mga ga­la­may. Ka­tum­bas na ito ng isang taong gas­tu­sin ng 16,500 pa­mil­ya sa loob ng isang taon.

Noong 2005, tu­mam­bad sa pub­li­ko ang kontro­ber­syang “Hel­lo Garci,” ang pa­ki­ki­pag-u­sap ni Arro­yo sa noo’y upi­syal ng Co­me­lec na si Vir­gi­lio Garcil­la­no upang ti­ya­kin na ang bo­to­han sa La­nao ay mag­bi­bi­gay sa kan­ya ng isang mil­yong bo­tong la­mang sa ka­la­ban ni­ya sa pag­ka­pa­ngu­lo sa elek­syong 2004. Ma­la­wa­kang pro­tes­ta ang ibi­nun­sod ng na­sa­bing kontro­ber­sya, ba­gay na nag-ud­yok kay Arro­yo na magtalumpati ng “I am sorry” sa te­le­bi­syon noong Hun­yo 2005.

Pag­da­nak ng du­go

Nag-i­wan si Arro­yo ng hin­di mai­ku­kub­ling ba­kas ng du­go. Sa si­yam na taon ng kanyang pag­hahari, nai­ta­la ang 1,206 ka­so ng pam­pu­li­ti­kang pa­ma­mas­lang, 206 ka­so ng pag­du­kot at sa­pi­li­tang pag­ka­wa­la at ma­hi­git 2,000 ka­so ng ili­gal na pag-a­res­to. Uma­bot sa ma­hi­git 800,000 ang pwer­sa­hang nag­bak­wit sa ila­lim ni Arro­yo. Pa­ngu­na­hing tar­get ng pa­nu­nu­pil ang mga mag­sa­sa­ka at mang­ga­ga­wa.

Umaa­bot sa 603 mag­sa­sa­ka ang pi­na­tay ng mga ar­ma­dong pwer­sa sa ilalim ng kanyang kumand. Ka­bi­lang di­to ang mga bik­ti­ma ng Hacien­da Lui­si­ta Mas­sacre, isa sa pi­na­ka­ka­ru­mal-du­mal na kri­men ng kanyang rehimen. Ka­sab­wat ang mga Cojuangco, ipi­nag-u­tos niya ang ma­ra­has na pag­bu­wag sa noo’y wel­ga sa asyen­da sa Tar­lac noong Nob­yembre 16, 2004. Pi­tong mang­ga­ga­wang bu­kid ang na­pa­tay sa wa­lang-ha­bas na pa­ma­ma­ril ng mga sun­da­lo sa mga nag­we­wel­ga. Ma­hi­git 120 ang su­ga­tan.

Bru­tal din ang pag­su­pil sa mga wel­gang mang­ga­ga­wa. Pi­na­ka­ma­ra­has ang pag­lu­pig sa welga sa Nestlé Philip­pi­nes noong 2002-2005 sa Ca­bu­yao, La­gu­na kung saan gina­mit ang pwer­sang mi­li­tar at pu­lis la­ban sa mga mang­ga­ga­wa. Sa buong panahon ng welga, uma­bot sa 23 mang­ga­ga­wa ang pi­nas­lang. Kabilang dito ang li­der ng ka­ni­lang un­yon na si Dios­da­do “Ka Fort” For­tu­na, na pi­na­tay noong 2005.

Wa­lang-ha­bas na ka­ra­ha­sang mi­li­tar ang pi­na­ka­wa­lan la­ban sa mga ak­ti­bis­ta at or­di­nar­yong si­bil­yan sa ila­lim ng ge­rang Oplan Ban­tay La­ya 1 at 2. Ti­na­tar­get ang mga prog­re­si­bong or­ga­ni­sa­syon at di ar­ma­dong si­bil­yan na pa­wang iti­nu­tu­ring na mga “kom­ba­tant” sa pa­sis­tang doktri­nang ini­la­had sa do­ku­men­tong “Know Your Enemy” ng militar. Si­na­lu­du­han at ina­ngat ni Arro­yo ang mga pi­na­ka­ber­du­gong upi­syal ng AFP, ka­bi­lang si Maj. Gen. Jovi­to Pal­pa­ran, na ki­la­lang utak sa mga pag­du­kot, pag­tortyur at pag­pa­tay sa mga ak­ti­bis­ta.

Ata­ke sa li­gal na ki­lu­san

Su­mam­bu­lat sa mga pro­tes­ta sa kal­sa­da ang ma­tin­ding ga­lit at pag­la­ban ng ma­ma­ma­yan. Lu­bos na nahiwa­lay at ki­na­mu­hi­an ng taum­ba­yan ang re­hi­men bun­sod ng pa­tung-pa­tong na is­kan­da­lo at mga anomalyang ki­na­sang­ku­tan ni­to.

Para apulain ang mga ito, sunud-sunod ang pagdeklara ni Ar­­royo ng pasistang mga hakbang. Ipi­na­tu­pad niya ang “ca­lib­ra­ted pre­emptive res­pon­se” (CPR) noong 2005 ma­ta­pos ang ser­ye ng dam­bu­ha­lang mga pro­tes­tang ibi­nun­sod ng is­kan­da­long “Hel­lo Garci.” Sa CPR, du­ma­las ang pag­bu­wag sa mga ra­li at na­ging ta­la­mak ang pag-a­res­to sa mga li­der at ra­li­yis­ta.

Iti­na­yo ni Arro­yo ang Inter-Agency Le­gal Acti­on Gro­up (IALAG) noong 2006 pa­ra mag­lun­sad ng opensibang ligal la­ban sa mga kri­ti­ko ng kanyang re­hi­men. Ka­li­wa’t ka­nan ang pag­sa­sam­pa ng gawa-gawang habla, ka­bi­lang ang tam­pok na ka­so ng pag­tu­gis sa “Ba­ta­san 6” o mga prog­re­si­bong partido, ang pag­sa­sam­pa ng ka­song pag­pa­tay la­ban sa 72 ak­ti­bis­ta mu­la sa Sout­hern Ta­ga­log at iba pa. Ang ka­song pag­pa­tay la­ban sa mga da­ting ki­na­ta­wan ng Ma­ka­ba­yan na bi­nu­hay ka­ma­kai­lan ay unang isi­nam­pa noong 2006 sa tu­lak ng IALAG. Noon na­mang 2007, pi­nag­ti­bay ni Arro­yo ang Hu­man Secu­rity Act (HSA) pa­ra ka­su­han bi­lang “te­ro­ris­ta” ang si­nu­mang lu­ma­la­ban sa reaksyunaryong gub­yer­no.

Mga galamay ni Arro­yo

Sa ka­bi­la ng limang taong de­ten­syon sa ila­lim ng nag­da­ang re­hi­meng Aqui­no, na­na­ti­ling isang makapangyarihang pwersa sa puli­tika si Arro­yo. Ma­ra­mi sa kan­yang mga ga­la­may at al­ya­do ay kasalukuyang na­sa su­sing mga pwesto ng estado. Ma­la­wak ang implu­wen­sya ni­ya sa Ka­ma­ra. Sa Kor­te Sup­re­ma, anim sa 15 hu­kom ay hi­ni­rang ni Arro­yo, ka­bi­lang ang tu­ma­ta­yong pu­nong ma­histra­do na si Anto­nio Carpio, at si Lucas Ber­sa­min, no­mi­na­do ng Kor­te Sup­re­ma bi­lang su­su­nod ni­tong punong husgado. Ang ba­gong ta­la­gang om­budsman na si Sa­mu­el Mar­ti­res ay da­ti ring iti­na­la­ga ni Arro­yo bi­lang as­socia­te jus­tice ng San­di­gan­ba­yan noong 2005.

Ma­ra­mi sa mis­mong ga­bi­ne­te ni Du­ter­te ay ki­la­lang mga tau­han ni Arro­yo. Da­ting mga he­pe ma­yor ng AFP sa ila­lim ng kanyang rehimen sina Roy Ci­ma­tu, ka­sa­lu­ku­yang ka­li­him ng De­partment of Envi­ron­ment and Na­tu­ral Re­so­urces, at si Her­mo­ge­nes Espe­ron, ka­sa­lu­ku­yang Na­tio­nal Secu­rity Advi­ser.